Dear clients, in our efforts to keep you updated with the important endeavors of the university, this old domain will remain active until the new domain, www.ust-legazpi.edu.ph, becomes operational. Thank you!

Feature

Normal Text   Medium Text   Large Text   Print Version   Mail to Friend

Ang Turo ng Isang Guro

Sa bawat salitang binibitawan niya ay ang bawat salitang ilalabas ng bibig ko sa pagtatrabaho. Sa bawat numero na isinusulat niya sa pisara ay ang bawat numero ng pera na makukuha ko bilang suweldo pagdating ng panahon. Sa bawat bagsak niya sa aking mga grado ay ang pagkatuto ko na bumangon muli hanggang sa makamit ko ang pangarap ko.

Guro.

Isang salita. Isang propesyon.

Isang guro ko noong ako’y nasa unang baitang pa lamang ang nagging dahilan ng lahat kung bakit magaling ako sa pagsusulat at paggawa ng mga tula, pati na rin ang pagbigay buhay sa mga ito. Kung bakit palagi akong nagsisikap maibigay ang lahat ng aking makakaya sa anumang Gawain na aking isasakatuparan. Marahil ay tama nga sila, ang ating mga guro ay magsisilbing gabay sa atin sa bako-bakong landas patungo sa kinabukasan.

Totoo ngang ang karunungan ay kayaman. Ang mgaimpormasyon na laman ng ating utak ay malaking tulong mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda. Ang ating talino ay isa sa mga sangkap ng kakailanganin natin sa ating pagtatrabaho. Kaya naman kahit tayo’y musmos pa lamang ay pinapadala ng ating mga magulang sa paaralan. Tinaguriang ikalawang tahanan ang paaralan. At dito, ginagabayan tayo ng ating mga ikalawang magulang; ang ating mga guro.

Mula sa pagtuturo ng maliit na bagay tulad ng pagbibilang ng isa hanggang sampu, hanbggang sa pagtuturo ng mga bagay na tutulungan tayo hanggang sa ating pagtanda tulad ng kung pano maging isang mabuting doctor, ang mga guro ay walng ibang ginawa kundi ang magsilbing hagdan mo patungo sa iyong pangarap. Ika nga nila, wala nag mga doctor, mga enhinyero, mga piloto at iba pang mga taong nagtagumpay na sa buhay kung hindi sa mga gurong nagturo sakanila. Ang mga guro ay tila magsasaka na nagtatanim ng kaalaman sa ating isipan para ito’y tumubo at magamit natin para sa sarili at pati na rin para sa ibang tao. Sila ang tila mga ilaw sa madidilim na lagusan na gagabay upang tayo’y makalampas sa mga ito.

Hindi lamang mga bagay na konektado sa akademiko ang tinuturo ng ating pangalawang magulang. Ang mga magagandang-asal ay kanilang binabahagi nila sa atin. Ang pagiging magalang sa magulang, ang pagiging mabait sa bawat nilalang, ang pagiging maka-Diyos, ang pagiging matulungin, ay nagsisimula natin matutunan mula sa ating mga guro. Pati na rin ang hindi pagsuko sa anumang hamon ng buhay ay natutunan rin natin mula sa kanila.

Saludo ako sainyo mga guro, sapagkat kahit na nahihirapan kayo sa pagdidisiplina sa aming mga estudyante at sa paggawa ng mga kailanganin ng mga bata ay mas nangingibabaw parin sainyo ang kaisipang, “mas importante ang edukasyon ng bawat kabataan.” Dahil sainyo ay nasisigurado ko na magiging maayos ang buhay ko pagdating ng panahon dahil ang mga naituro ninyo ay magisisilbing tulong upang matamo ko ang mga pangarap ko.

Sa mga guro, dalawang salita ang mayroon ako para sainyo; pasensya at salamat. Pasensya sa pagiging dahilan ng inyong pagod, luha at buntong hininga. Pasensya sa pagiging makulit, sa pagkakaroon ng mababang marka at sa hindi pagbibigay hustisya sa mga paghihirap ninyo. Salamat sa pagtitiyaga at pagtitiis. Salamat sap ag-aalaga at sa pagpapadama sa amin ng walang sawang pagmamahal.

Asahan ninyo, aking mga guro, na sa tuwing aakyat ako upang kunin ang aking mga medalyang natamo ko, ay hinding hindi kayo maaalis sa isipan ko. Maraming salamat, mga bayani!

Posted on: 10.26.2018

bottom imagespacer Special Anouncements
bottom imagespacer Schedule of Examinations
bottom imagespacer DOWNLOADS