Dear clients, in our efforts to keep you updated with the important endeavors of the university, this old domain will remain active until the new domain, www.ust-legazpi.edu.ph, becomes operational. Thank you!

Feature

Normal Text   Medium Text   Large Text   Print Version   Mail to Friend

Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko

Noong ako ay estudyante pa lamang, sa kabila ng murang edad ko, ay nakikita ko na ang kakaibang klase ng paghihirap na dinaranas ng aking mga guro. Mula sa pagtuturo, pagdidisiplina at pag-aalaga sa kanilang mga estudyante. Hinding hindi nko makaklimutan ang minsang sinabi sa amin ng ilan sa aming mga guro noon. Ayon sa kanila, na may halong panghihina ng loob, ay huwag daw naming kunin ang kursong edukasyon o piliing maging guro dahil sa ‘di mabilang na dahilan. Nariyan na ang mababang sahod, napakahirap na mga gawain o kaya’y mababaon ka sa utang. Sa pagdaan ng panahon, dahil sa sinabi ng aming mga guro, hindi rin talaga ako nangarap na maging isang guro. Sinabi ko sa aking sarili na iyon na siguro ang huling trabaho na maari kong gawin. Totoong nangarap akong maging isang doctor upang makatulong sa mga may sakit lalo na iyong mahihirap. Nangarap din ako maging inhinyero hindi lamang para makapagtayo ng gusali kundi para na rin maipagpatuloy ko ang nabigong pangarap ng aking ama. Minsa’y naisipan ko rin maging pulis dahil bilib ako sa kanilang galling sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng isang kumunidad. Kaya naman hindi ko talaga ninais na maging bilang guro.

Ngunit lumipas ang panahon ako ay tumuntong sa kolehiyo. Nakita ko na lamang ang aking sarili na aking tinatahak ang kursong Edukasyon. Ito ay hindi dahil sa pansarili kong kagustuhan. Dala na rin ng pagsubok sa pinansyal na aspeto ng aming buhay, dito ako naisipang pag aralin lamang ng aking magulang. Sa madaling salita, ako ay nakapagtapos sa isang kursong hindi ko pinangarap. Ngayon ay isa na akong ganap na guro. Mas lalo kong naintindihan, kasama ang aking mga personal na karanasan, ang mga sinabi sa aming ng aming mga guro noong ako ay bata pa. Tama sila. Hindi nga talaga madali ang maging isang guro. Hindi kalabisan na sabihin na ito ay isa sa pinakamahirap na propesyon. Hinding-hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga kaguruan sa kanilang ginagawa. Ito ay hindi lamang para sa kanilang sarili, kundi ito ay higit na para sa kanilang mga estudyante. Ang aking mga guro ang isa sa mga malalaking impluwensya ko upang ako rin ay magpursige sa aking trabaho. Sila ang dahilan kung bakit ako ngayon ay guro. Sila ang dahilan kung bakit ako hindi pinanghihinaan ng loob sa kabila ng nakapamanghamong responsibilidad ko sa aking mga mag-aaral. Hindi nga ako nagging isang doctor ngunit ako ay nagging isang guro, guro na ginagawa ang lahat maibsan lamang ang sakit na nararamdaman ng aking mga estudyante sa kanilang mga isipan, damdamin, o maging puso. Hindi rin ako nagging isang inhinyero ngunit ako ay isang guro, guro na itinatayo ang bawat murang isipan ng mga bata upang sila ay hindi mapariwara bagkus ay matuto. Lalong hindi ako nagging isang pulis ngunit ako naman ay naging isang guro, guro na ibinubuhos ang kanyang sarili para sa kaayusan ng pag-uugali at asal ng kaniyang mga estudyante.

Maliban sa aking mga guro sa paaralan, mayroon ding taong maituturing kong una at napakadakilang mga guro ng aking buhay. Sila ay walang iba kundi ang aking mga magulang. Bago pa man ako natuto sa eskwelahan, sila na ang unang nagturo sa akin. Ang kanilang mga pangaral ang una kong napakinggan. Wala man sa paaralan, marami at patuloy parin kong natuto sa buhay dahil sa aking mga magulang. Kaya ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Pinakadakilang-Propesyon-ang pagiging guro, huwag din nating kalilimutan ang unang mga tao na sa atin ay nangaral at patuloy na nangangaral.

Sa panghuli, nais kong batiin at ipagmalaki ang bawat Gurong Pilipino sa loob at sa labas man ng ating bansa, sa pag-aalay ng kalahati ng kanilang pagkatao upang itanim sa atin ang bawat butyl ng mabubuting aral na ngayon ay mapalad ng inaani ng karamihan sa atin ng matatagumpay na rin sa buhay. Tunay ngang kung hindi dahil sa inyong mga itinuro ay hindi naming maaabot ang aming kinabukasan. Kinabukasan naming ang nagging sentro ng inyong matiyagang pagtuturo. Kaya ngayon, ang dating pangarap lamang ngayon ay katotohanan na. Maraming salamt mga Gurong Pilipino at mabuhay kayo.

Posted on: 10.26.2018

bottom imagespacer Special Anouncements
bottom imagespacer Schedule of Examinations
bottom imagespacer DOWNLOADS