Dear clients, in our efforts to keep you updated with the important endeavors of the university, this old domain will remain active until the new domain, www.ust-legazpi.edu.ph, becomes operational. Thank you!

Feature

Normal Text   Medium Text   Large Text   Print Version   Mail to Friend

Gurong Pilipino: Turo Mo, Kinabukasan Ko

Ano ang gusto ko sa aking paglaki? Ito ay isang tanong na malalim man ngunit kailangan malaman ng isang tao kahit sa murang edad pa lamang. Paano kaya tayo magiging isang arkitekto kung wala sa atin magtuturo? Paano naman kaya magkakaroon ng “nurse” kung walang magpapakitang mga iba’t ibang abilidad sap ag-aalaga ng pasyente? Paano natin malalaman kung ano ang gusto natin maging kung wala tayong mga guro? Ilan ang mga ito na mga tanong ko sa aking sarili.

Ang guro, kung pagbabasehan ang ibig sabihin, ay isang tao na nagtuturo sa mga mag-aaral. Katumbas nito ang pagiging masikap, matiyaga at masipag. Ang guro ay isang propesiyon na napakahalaga sapagka’t sila ang nagsisilbing, pundasyon n g bawat kabataan kung saan kanila itong dadalhin hangga’t sa kanilang pagtanda. Ito ay may pagkatotoo. Pero may mga pagkakataon na may ibang tao na minamaliit ang trabaho ng guro. Mas ninanais pa ng karamihan maging manggagamot o inhinyero. Pero para natin maabot ang gusto natin maging ay dapat matuto tayo ng kaalaman mula sa ating mga guro kasabay nito ang pagiging “goal-oriented”.

Sa katunayan ay napakahalaga ng papel ng guro sa akin. Kailangan natin ang mga guro sa buhay para matutunan ang iba’t ibang mahalagang ideya at kaalaman sa mga paksa. Pawis at tiyaga ang ginugugol ng isang Pilipinong guro sa paggawa ng “lesson-plan”, pagrado at pagisip ng pagsusulit. Hindi ko man nakikita ang gawain ng aking mga guro ngunit sobrang taas ng tingin at paniwala ko sakanila. Sila ang tumulong sa atin makamit ang ating layunin at pangarap.

Bilang isang estudyante sa Grade 4 gusto kong magpasalamat sa bawat nagging guro ko simula Kinder at kung hindi sainyo na aking mga guro ay hndi ako magiging ganto ngayon. Salamat din dahil kayo ay naging malaking parte ng aking buhay.

Posted on: 10.26.2018

bottom imagespacer Special Anouncements
bottom imagespacer Schedule of Examinations
bottom imagespacer DOWNLOADS